CesaBartolome
Apat na magkakaibigan na magkaiba ang ugali ngunit iisa ang pinanghahawakan ang kanilang pagkakaibigan. Sa bawat tawanan, kulitan, at walang sawang asaran, unti-unti nilang nabubuo ang mga alaalang habang-buhay nilang dadalhin.
Habang tumatagal ang kanilang matibay na pagkakaibigan, unti-unti rin nilang nakikilala ang apat na lalaking babago sa takbo ng kanilang buhay. Mula sa simpleng pagkakaibigan ay nabuo ang pag-ibig, ngunit kasabay nito ang mga pagsubok, selosan, lihim, at mga desisyong maaaring sumira sa kanilang samahan. Sa kabila ng lahat, pipiliin ba nila ang pagmamahal o ang pagkakaibigang matagal na nilang pinanghahawakan?