MinamiTsuyoshi
Marami akong nabasa na puro slam dunk fiction pero wala akong nakita na story ni Minami. Ang dami nag stick lang sa story ni Sakuragi na hindi nabigyan ng hustisya ang ibang player kaya thankful ako sa ibang author na hindi lang si Sakuragi ang sinulat.
Mabalik tayo kung bakit ko sinulat ang story ng THE BATTLE OF ACE para makita ang galing ng bawat team hindi lang sa Kanagawa kundi sa ibang distrito.
Tampok sa story ko ang pinaka magaling para sakin ang nag iisang Ace Player ng Toyotoma o kilala bilang Ace Killer na walang iba kundi si Tsuyoshi Minami.
Sino sino nga ba ang magiging bida sa kwento kong ito maliban sa nag iisang si Minami. Kilalanin natin ang bawat player ng ibat-ibang distrito.
-Carl Demaranan-
Ang inyong Author.