SBatzukase
Isang dalaga na puno ng pangarap, si Aeliana "Aeri" Tsubaki, ay naniniwala sa true love at destiny. Minsan, sumulat siya ng liham para sa kanyang "hinaharap na pag-ibig," ngunit hindi inaasahan na ito'y mapupunta sa maling tao-si Kaito Ryuuzaki. Ang liham na iyon ay maghahatid sa kanya sa isang masalimuot na pag-ibig na puno ng mga hindi inaasahang pagkakataon, at maglalantad ng mga lihim na magbabago sa kanyang buhay. Sa kanyang paglalakbay, hindi lang si Kaito ang magpapakita ng interes, kundi pati na rin ang kanyang childhood friend na si Renji, na matagal nang may itinatagong nararamdaman para kay Aeliana. Puno ng pagnanasa, kalungkutan, at mga desisyong mahirap gawin, matutuklasan ni Aeliana kung paano ang tunay na pag-ibig at kung ano ang kahulugan ng pagpili sa isang tao sa gitna ng mga pagsubok at pagnanasa.
===
CHARACTERS:
Aeliana "Aeri" Tsubaki (FL, 18) - Blonde, mahilig sa summer dresses, sweet at optimistic. Mahilig magsulat ng love letters pero hindi marunong ipahayag ang sariling nararamdaman.
Kaito Ryuuzaki (ML, 19) - Matangkad, dark brown hair, charming at protective. Napulot niya ang liham ni Aeliana at sinagot ito nang hindi alam na siya pala ang nakatakdang makilala niya.
Renji Kurogane (Love Rival, 19) - Messy black hair, tahimik at mysterious. Matagal nang mahal si Aeliana pero hindi kayang umamin.
Mika Haruka (Bestie, 18) - Shoulder-length purple hair, fashionista, ultimate matchmaker. Laging nagbibigay ng love advice kay Aeliana.
Sakura Fujimura (The Ex, 19) - Chestnut brown hair, elegant pero manipulative. Ex ni Kaito na gustong bumalik sa buhay niya.
Hiroshi "Shiro" Matsuoka (Unexpected LI, 20) - Silver-haired, matalino at mysterious. Upperclassman na tila may interes kay Aeliana-pero bakit nga ba?