LoveHisSecretScent
Hindi sa iisang lugar lamang nangyayari ang paglaro ni kupido sa mga tao. Hindi lang sa iisang panahon, sa iisang tao, o sa anong klaseng nilalang sa mundo. Maraming sitwasyon ang hindi magkakatulad. Maraming indibidwal ang hindi pa ganap makaunawa ng big nitong sabihin sa buhay natin. Ganun yun kapag ang laro ng pag-ibig ang kalaban nito. Walang kahit anong rules and regulations. Walang bagay ang nagpapasimula nito. Walang tamang 'START' or 'GO' or anong term sa pagsisismula ng isang laban o laro. Walang lugar na pinipili. Walang anong klaseng economic status ang pinaglaanan nito. Lahat makaranas. Lahat may mapag-aralan. Oo, iba-iba ang maidudulot nito sa tao kaya walang makapagsabi kung sino ng tama o mali dahil una-una pa lang hindi magkakapareho ang naranasan niyo sa laro ng pag-ibig. Mabuti man o masama, lahat makaranas. Malalaman mo lang sa magiging resulta nito . Depende nga kung masama o mabuti ang laro ng pag-ibig sa buhay mo.