jaztakano69
Jay Aris Mozart, ang pinaka famous na bakla sa Antonio Academy. Paano siya naging famous? Simple lang dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Nagsimula ang lahat sa pagiging Dance troupe at choir niya sa eskwelahan. Maraming nakapansin at nagimagine pero sadyang napaka unfair ng mundo dahil sa kabila ng katanyagang iyon, napakalaki pala ng problema niya sa kanilang tahanan. Hindi nila tanggap ang kanyang kasarian pero mabuti nalang at nan diyan ang kaniyang mga kaibigan,anim sila. Apat na babae at dalawang binabae. Sila ang naging katuwang niya sa anumang oras at anu mang araw pero dahil sa hindi inaasahan, biglang nagbago ang kaniyang nararamdaman. Naging tuwid siya dahilan kung bakit nagiba ang turing niya sa kaniyang kaibigan.