jzkeo_
Sa St. Agatha Medical Center, may isang floor na hindi nila masyadong pinagmamalaki.
Ward 13.
Dito, kumpleto ang staff - may magagaling na doctors, mabilis na nurses, genius na med techs, pharmacist na walking dictionary ng gamot, at janitor na mas updated pa sa chismis kaysa sa admin. Technically? Functional. Professionally? Licensed. Emotionally? Questionable.
Isang araw normal ang duty.
Next day, may sumisigaw ng "CODE BLUE!"
Tapos may sisigaw din ng "Sino umubos ng kape?!"
Sa Ward 13, buhay ang pasyente... pero pati drama.
May head surgeon na girlboss pero lowbat na sa patience.
May ER doctor na kalmado sa labas, pero internally nagdadasal na sana walang mag-collapse ulit.
May nurses na kayang mag-IV habang nakikipag-away sa group chat.
May pharmacist na galit sa sulat-kamay ng doctors.
At may janitor na tahimik lang... pero alam lahat ng sikreto ng floor na 'to.
Between life-and-death situations, accidental coffee spills sa chart, dramatic exes na sumusugod sa ER, at interns na hindi alam kung pasyente ba o staff ang unang magpa-panic-
Ward 13 is not just a hospital floor. It's a survival game.
Dito, hindi lang pasyente ang sinusubukang iligtas.
Pati reputasyon.
Pati pride.
Pati mental stability.
Kung gusto mo ng hospital story na puno ng tension, tawanan, sigawan, at konting landi sa nurse station-
Welcome to Ward 13.
Magaling sila.
Promise.
Pero just in case...
Pray for the patients.