Gee2Gee
Habang malaya nilang nilalasap ang buhay na balak nilang tahakin ay may nakaambang kapahamakan pala na magiging sanhi ng pagkakahiwahiwalay nila. Sapat na nga ba ang pagsasamahan nila para bawiin ang kasamahang unti-unting nilalamon ng kasamaan? Malalagpasan kaya nila ng magkasama ang bagong pagsubok na kakaharapin nila? o di naman kaya ay may buhay ba na masasakripisyo para sa ikabubuti ng marami?
Ang akala nating tapos na ang pakikipagtuos ng mga diyos at diyosang buong lakas na ipinagtanggol ang kanilang mga kasama ay may kakaharapin na namang panibagong pagsubok na siyang huhusga kung sila ba ay dapat pang magpatuloy o tatalikuran na ang kapangyarihang taglay para sa kapayapaang hinahangad.