Good2begood
📖 Story Description:
Almira Ynaes Stanford-isang spoiled, matapang, at walang pake kung sino man ang masagasaan niya. Lumaki siyang parang prinsesa sa mundong binuo ng yaman, impluwensya, at kapritso. Sa North Summit University, siya ang reyna-hindi lang ng campus, kundi pati ng sariling mundo.
Hanggang dumating si Tadeo Ramirez-isang transferee mula sa probinsya. Tahimik, matalino, at may paninindigan. Hindi siya basta-basta nagpapaapekto, lalong hindi sa isang tulad ni Almira. Sa unang banggaan pa lang, malinaw: dalawang mundo ang nagtagpo-ang isa'y sanay mag-utos, ang isa'y sanay lumaban.
Pero habang lalong umiinit ang bangayan nila, may kakaibang damdaming unti-unting sumusulpot. Sa pagitan ng pride, galit, at inggit... may puwang pa kaya para sa pag-ibig?