Skysuuu_
Si Rhiana Hernandez ay isang 2rd year college student na abala sa lectures, deadlines, at pressure ng pag-adapt sa buhay-eskwela. Tahimik siya, simple, at mas pinipiling itago ang tunay na nararamdaman. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Professor Cyril-isang propesor na responsable, propesyonal, at may malinaw na hangganan sa pagitan ng estudyante at guro.
Sa loob ng classroom, si Professor Cyril ay isang guro na hinahangaan-hindi lang dahil sa talino niya, kundi sa paraan ng pagtuturo at pag-unawa sa kanyang mga estudyante. Para kay Rhiana, ang simpleng paghanga ay unti-unting naging isang lihim na damdaming hindi niya dapat maramdaman.
Araw-araw, pinipili ni Rhiana ang manahimik.
Piliing ilayo ang sarili.
Piliing igalang ang mga hangganan na alam niyang hindi dapat lampasan.
Hindi ito kwento ng bawal na relasyon.
Ito ay kwento ng isang crush na hindi inaamin,
ng paghanga na may kasamang pagpipigil,
at ng pagkatutong unahin ang tama kaysa sa gusto ng puso.