FlordelizaEspano
"Ma, sa hospital na po ako kakain," wika ni Jasmine sa ina na abala sa paghahanda ng kanilang almusal.
" Sandali lang to-," tugon ng Mama niya, ngunit hindi natapos at nagmamadaling nilisan ni Jasmine ang kusina.
Isa si Jasmine sa pinakabata at mahusay na Pedia doctor ng Provincial Hospital sa kanilang lalawigan. Sa edad na twenty seven ay napangaralan na siya bilang Pediatrician of the year.
Pagkarating sa tapat ng ospital ang minamaniho niyang kotse ay mabilis na bumaba si Jasmine at tuloy-tuloy na pumasok sa office upang mag punch-in bago magtungo sa kanyang clinic.
NASA Pinto palang sya ay masayang ngiti ng sekretarya ang sumalubong sa kanya. "Good morning dok! Ito po ang mga pasyente mo ngayon," wika nito sa kanya sabay about ng chart na listahan.
"Thank you," agad naman niyang sagot. Naalala niyang wala pa siyang almusal kaya napatingin siya sa relo na NASA Braso. Masha pa naman kaya sumaglit siya sa kapeterya ng hospital.
Binilisan niya ang lakad pabalik ng clinic ng matanaw niya sa di kalayuan ang mahabang pila ng mga batang pasyente. Pagdaan niya sa mga bata ay masaya niya itong binati bago umpisahan ang Gawain .
NASA pagche-check-up ng mga bata ang atensyon niya ng bigla na lamang tumili ang maharot niyang sekretarya.
"Anong nangyayari sa'yo ? Inutusan lang kita na kumuha ng vitamins sa stock room Pero para ka Nang kinikiliti d'yan," nagtataka niyang tingin sa sekretarya.
"Ang gwapo talaga Dok ni Sir Denmark, Pag ako ang naging asawa no'n dadamihan ko ng stock ng panty,"wika nito.
Kunot-noon niya itong tiningnan at nagtataka kung sino yon at bakit kailangan ang maraming ipon na panty.
"Dok naman hindi mo kilala so Gob? Ayan tayo kaya never lang nagka boyfriend dahil sa pande-dedma mo sa mga fafa." Muli nitong Sabi.
"Gaga! Malay ko ba na si Gob yon e , maraming pangalan na Denmark," wika niya. "Sabagay dok, may point ka naman ," wika pa nito. Kapalagayan niya ito ng loob mula ng pumasok siya ay ito kaagad ang naging Sekretarya niya.