JohnRVargas
Tula ko sayo mahal
Mahal mo pa ba ako
 John vargas
oct 12 2017
Enjoy
Bawat araw na lumipas
Para kang litrato na walang kupas
Para kang alon na walang tigil sa paghampas
Para kang puno na hindi humihinto sa pagpalaspas
Ang sarap mong panooring nakinikilig
Ngunit mahal, ramdam kong di ako ang dahilan
ng pag kilig mo
Ang sakit tignan na ika'y masaya,
ngunit di ako ang dahilan
Sa panahon na lumilipas patuloy na naaalala ang mga pananakit mong walang kupas
Sa segundong nawala, ramdam kong kahit masakit
Ikaw parin ang siyang nakakaalis ng pait
Ako'y isang ewan na parating umaasa
Mahal mo pa ba ako alam kong may gusto kang iba
Tapos na ako
Tapos nang maniwala sayong mga kataga na ako'y iyong minamahal
Ngunit parang kahit na masampal ay di naman dama
Di ko madama ang mga sabi mo na hanggang huli
ika'y nasa'king tabi
Ngayon ay malaya ka na
Malaya ka na sa mga taong minahal ka ng sobra
Pasensya ka na
Ako kasi ay masyadong torpe
Pero salamat, ako'y natuto ng mag-isa
Kinaya kong mabuhay kahit wala ka
Kahit ang sakit na
Ako lamang ay isang biktima
ng isang maling pagmamahal sa maling pagkakataon
Ngunit kailangan ng ibaon,
itong mga alaala't sakit na sa aki'y humamon
Ako'y masaya dahil natapos ko ang aking laban
Samantalang ikaw ay natalo dahil isa kang bigo
Bigo para maramdaman ang pagmamahal ng totoo at buong puso
Itong aking kwento na tungkol sayo
ay di ko lilimutin
gagawing aral para sakin
Dahil ikaw yung taong minahal na ng sobra
ngunit manhid parin
Minahal ng sobra ngunit parang lupa na walang pandama
Ngayon, alam kong ako'y malaya na
Malaya na sa pagkakabilanggo sa pagpapakatanga
at pagmamahal sa maling pagkakataon
Mahal mo pa ba ako
-john carl vargas
thank you for reading my 📖