iamprettyema
I fall in love with another guy and in the eyes of our God it's forbidden love, isn't?
Hindi naman ako bakla dahil wala naman akong kainte-interes sa mga pambabaing kagamitan o kasuotan pero hindi ko lubos na maunawaan kung bakit parin ako nagkakaganito, iniisip ko nang bakla ako kahit ramdam kong hindi naman dahil nagmahal ako at patuloy na nagmamahal ng kapwa ko lalaki.
Pero anong magagawa ko? Puso ko ang pumili ng gusto nitong ibigin at hindi ko ito magawang pigilan dahil sa pag tagal ng panahon palalim ng palalim ang nararamdaman ko para sakanya.
Matagal ko na itong inililihim, lalo na sa minamahal ko. Dahil baka hindi ko kayanin kung magiging negatibo man ang magiging reaksyon niya kung mapagdesisyunan ko nang umamin sakaniya.
Mahalin niya din kaya ako? O ipagtatabuyan at kamumuhian?
05/10/20