1studwrite
Sa tabing-dagat lumaki si Aira Dela Cruz - isang morenang dalagang simple ang pangarap: makatapos ng pag-aaral, maging nurse, at makatulong sa pamilya. Hindi niya inaasahan na ang tahimik niyang mundo ay babanggain ng isang lalaking galing sa kabaligtaran ng kanyang realidad.
Si Elian Soriano, isang mestizong negosyante mula sa Maynila, ay sanay sa buhay-lungsod-mabilis, magarbo, at puno ng plano. Nang ipadala siya ng kompanya ng kanyang pamilya sa isang medical outreach sa probinsya, doon niya nakilala si Aira.
Magkaibang-magawa. Magkaibang paniniwala. Magkaibang mundo.
Ngunit sa bawat bangayan at asaran, unti-unti nilang natutuklasan ang init ng damdaming pilit nilang itinatanggi.
Hanggang sa isang lihim mula sa nakaraan ang bumulaga-isang rebelasyong magtutulak sa kanila na tanungin...
Totoo bang may hangganan ang pag-ibig kapag ang tadhana na mismo ang humaharang?