Inkeslyn
Akala ni Hanzu Dela Vega, plantsado na ang buhay niya pag-uwi galing Korea. He's gay, he's proud, and he has a vision for his future that doesn't include a woman. Pero ang inaasahan niyang tahimik na buhay sa piling ng kanyang ina ay agad nabulabog ang kanyang pagkatao.
Then, he met Nami Aeloria Pavia, isang babaeng may Conversion Disorder.
Hindi naging maganda ang unang pagtatagpo nila, na naging mitsa para isumpa ni Hanzu ang dalaga. To him, she was just an annoying intruder in his sanctuary. He didn't just dislike her; he hated her.
Pero sa pagitan ng pag-aalaga at pag-aaway, unti-unting nabubura ang mga linyang iginuhit ni Hanzu para sa kanyang sarili. Paano mo paninindigan ang iyong pagkatao kung ang mismong pusong akala mo ay kilala mo na, ay nagsisimulang tumibok para sa kaisa-isang babaeng hindi mo inaasahang mamahalin?
FIRST BOOK OF CURVEMEN SERIES.
DUAL POINT OF VIEW.