xhaaaai
Maureen Lian Zaimora ay isang matalino, maganda, at matagumpay na babae na kilala bilang CEO ng isang sikat na cosmetic company sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mataray at prangkang ugali. Madalas siyang mainis sa mga lalaking walang respeto at sa mga taong hindi gumagamit ng tamang pag-iisip. Dahil sa kanyang pagiging diretso magsalita, marami ang may inis sa kanya. Gayunpaman, mas marami pa rin ang humahanga dahil alam nilang totoo siya sa kanyang sarili at hindi nagpapanggap para lamang magustuhan ng iba.
Raizon Caller Vergara naman ay isang mabait, guwapo, at matalinong single father. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya at handang tanggapin pati ang kanyang anak, ngunit mas pinipili niyang umiwas sa mga ito. Ang kanyang pangunahing prayoridad ay ang pagpapalaki ng kanyang anak. Hindi man siya mayaman sa materyal na bagay, mayaman naman siya sa pagmamahal at sakripisyo. Kahit simple lamang ang kanilang buhay, ginagawa niya ang lahat upang maibigay sa kanyang anak ang mga pangangailangan at mga bagay na magpapasaya rito. Para kay Raizon, sapat nang makita ang kanyang anak na masaya at maayos ang kalagayan.