DREAM_WALKER28
Sa isang akademya kung saan ang talino ang hari at ang bawat ranggo ay parang trono, dalawang magkaibang mundo ang palaging naglalaban: si Jhenly, ang top 2 na pursigidong makamit ang tagumpay, at si Shawne, ang top 1 na tila walang kahirap-hirap na nananatiling nasa rurok. Ngunit sa likod ng karangalan at karibalang puno ng tensyon, unti-unting nahuhubog ang isang mas malalim na koneksyon-isa na hindi sinusukat ng grades, kundi ng tiwala, sakripisyo, at katapatan.
Sa pagharap nila sa mga pagsubok na lampas sa akademikong labanan, madidiskubre nilang ang tunay na laban ay wala sa leaderboard, kundi sa pagitan ng puso at sistema.
At sa dulo ng lahat-sa gitna ng pagkawasak-sila rin ang magtatayo ng bagong daigdig.