cutesizylee
Sa bawat klase, sa bawat competition, at kahit sa simpleng poll online, dalawang pangalan lang ang laging magkatabi sa listahan:
Park Sunghoon at Nishimura Riki.
Isang "Ice Prince" na may perpektong record sa academics-
at isang "Dancing Ace" na walang mintis sa stage.
Hindi sila kailanman nagkasundo. Kung may isa sa kanila na nag-shine, siguradong yung isa, susunod agad para tapatan o higitan.
Grades. Recognition. Popularity.
Lahat ng iyon, para bang nakasulat sa papel na mortal silang magkaaway.
"Another perfect score, Mr. Park," puri ng professor habang iniabot ang test paper.
Sunghoon accepted it with a polite smile, then glanced sideways. Nandoon si Ni-ki, nakahilig sa upuan, nagpi-play ng ballpen sa daliri, nakatitig sa kaniya na parang may iniisip.
"Tsk," bulong ni Ni-ki, sapat lang para marinig ni Sunghoon. "Akala mo ba ikaw lang?"
At saka niya ipinakita ang sariling papel-perfect score din.
Sunghoon smirked. "Figures."
At sa loob ng silid, sabay silang napansin ng lahat. Dalawang pangalan na hindi pwedeng ihiwalay, dahil kahit sa papel, sila ang dalawang markang laging magkatabi.
Pero ang hindi alam ng iba-
sa likod ng bawat sarkastikong tingin at palihim na irap,
may kwento pa silang sinusulat.
Isang kwento na hindi mababasa sa test papers, essays, o grading sheets.