KangChan5
Prologue 🌟
Sa isang lugar na tila ba't kinalimutan na ng mundo, nakatayo ang isang mansyon na nalipasan na ng panahon. Si Addy, isang ghost na naninirahan sa mga anino ng lumang bahay, naghihintay sa mga alaala ng nakaraan. Wala siyang alaala kung kailan siya naging ganito, pero ang sakit at lungkot ay naroon pa rin.
Samantala, sa labas ng mansyon, may isang dalagang nagngangalang Hera. Iniwan siya ng pamilya, walang kaibigan, at puno ng kalungkutan. Ang mundo niya ay madilim, walang direksyon. Ngunit isang gabi, ang landas nila ni Addy ay magtatagpo. Sa gitna ng mga anino at kalungkutan, magsisimula ang isang kwento ng pag-asa at paghilom.
Paano nga ba magsisimula ang kwento nina Addy at Hera? Tignan natin... 💔