HeySephh
Year 2187, The Age of Living Technology.
Mga mahilig sa Fantasy, Adventure, RPG, at Magic! Magsilabas kayo, may rasyon. Chos!
Sa panahong ito, lahat ng bagay naimbento na ng mga gunggong na tao. Well, isa ako sa mga tao pero Hindi ako isang sa mga gunggong na natutuwa sa advanced technology.
But wait, I'm not a real hater of this age. Ayoko lang talaga nung concept na lahat ng ginagawa ng tao ay ginagamitan na ng technology. Yup! Halos lahat ng gawain tulad ng paglalakad, pagkain, pag-ihi, pagtae (nakakadiri nung sa pagtae diba?), o kaya ay pagtulog ay ginagamitan na ng technology. Geez.
Speaking of pagtulog... This is the only thing that makes me have fun with technology. Because of technology, A new world was created.
The world of Dreamland.