its_breaa
Sa isang mundong pinamumugaran ng lihim at kasalanan, nakulong si Selene sa isang bangungot na hindi niya inakala-isang kasunduan na hindi niya kayang takasan. Nang utusan siyang magpakasal sa isang lalaking hindi niya mahal upang mailigtas ang kanyang pamilya, alam niyang hindi lang ang kanyang kalayaan ang nakataya kundi pati ang kanyang puso.
Si Raze Villafuerte-isang makapangyarihan, misteryoso, at mapanganib na lalaki. Sa likod ng kanyang matikas na anyo ay isang pusong matagal nang yelo sa lamig, sugatan ng nakaraan at binabalot ng galit. Walang sino mang lumalapit sa kanya ang nakakatakas nang walang sugat.
Ngunit nang dumating si Selene sa kanyang mundo, isang hindi inaasahang laro ng kapalaran ang nagbukas ng pinto sa isang bagay na hindi niya kayang kontrolin-pagmamahal.
Sa pagitan ng kasalanan at pag-ibig, sino ang dapat manaig? Sa isang relasyon na puno ng madilim na sikreto, kayang bang sirain ng pagmamahal ang kadiliman, o lulunurin nito si Selene sa mundong wala nang balikan?