ZierenSolstice
Laxriel Chavez never believed in vampires-until she fell in love with one.
Sa St. Rosendale Academy, kilala si Laxriel bilang hyper at hopeless romantic na estudyante. Hindi niya alintana kung ilang beses siyang ma-ignore o mapahiya; para sa kanya, worth it lahat basta't mapalapit siya sa misteryosong transferee na si Khyro Sev Dravenhart. Malamig, tahimik, at palaging nag-iisa si Khyro, pero para kay Laxriel, siya ang perpektong "hubby."
Ngunit sa likod ng kanyang malamig na anyo, si Khyro ay isang prinsipe ng vampire realm, lihim na ipinadala kasama ang tatlong royal guardians upang protektahan ang human world mula sa mga Dark Vampires. Habang mas lalong lumalapit si Laxriel, mas nagiging mahirap para kay Khyro na itago ang kanyang pagkatao at ang panganib na dala ng kanyang mundo.
Isang insidente ang nagbago ng lahat-nang muntik nang mahulog si Laxriel sa kamay ng isang Dark Vampire, nakita niya ang totoong anyo ni Khyro. Imbes na matakot, mas lalo lamang siyang nabighani sa kanya. Ngunit ang kanilang pagtitinginan ay naghatid ng mas matinding panganib: ginawa siyang puntirya ng mga kalaban upang wasakin ang barrier na naghihiwalay sa dalawang mundo.
Sa pagitan ng tungkulin at pagmamahal, kailangang pumili si Khyro. At sa huling laban, ang prinsipe ng mga vampire ay haharap sa pinakamalaking sakripisyo-ang iwan si Laxriel na may pusong nagmamahal, kahit kapalit nito ay ang sarili niyang buhay.
Isang kwento ng kabaliwan sa pag-ibig, ngiti sa gitna ng panganib, at pag-ibig na mas matamis kahit sa pinakamasakit na katapusan.