aikoacemissu
Ano ba kita? Ouch. Ano nga ba?
Mga katagang maaaring manggaling sa taong malapit sayo. O di kaya sa taong napupusuan mo. Anong mararamdaman mo? Ano ang isasagot mo? Handa ka na ba sa sitwasyon na ganito na tatanungin ka nang hindi mo inaasahan. Dahil ang alam mo, close friend kayo. Kapatid mo sya. Or else ewan. Di ba! Di ka pa handa. Di mo alam ang isasagot sa tanong na yun. Mapapaisip ka. Parang lumuwang ang turnilyo mo sa utak dahil sa tanong na yun. Sana dumating sa sitwasyon na alam mo na ang isasagot sa tanong na yun. May mga araw ka pa naman na mabibilang habang iniisip mo pa ang saktong isasagot. Alam kong kakayanin mo yun. Kaso nga lang kahit praktisado na ang isasagot mo, iba ang masasagot mo kapag kaharap mo na sya. Di ba?