AFIYAHrUN
Yung feeling na madami kang kasama pero ang nararamdaman mo ay nag iisa ka lang. Yung feeling na gusto mong sagutin yung tanong sayo pero hindi mo masabi sabi yung nais mong sabihin.Yung feeling na nais mong ipaalam sa iba yung nasa puso at isipan mo pero walang gustong makinig sayo. Yung feeling na pwede mong ipaglaban pero hindi mo magawa.Yung feeling na may nais kang makuha pero may parang pumipigil sayo.
Ganun. Ganun yung feeling na nararamdaman ni Haifa,dahil nakikita niya ang kanyang sarili na parang isang presong walang sala na hindi kayang ipaglaban ang tunay na kanyang nararamdaman.Na parang isang tuta na pinapakain at kinukulong dahil wala siyang boses para ipagtanggol ang kanyang sarili at sabihin kung ano ang gusto niya.
Masakit man ay tiniis niya ang nararamdaman niya.Parang kung ano yung tingin sa kanya ng iba,iyon na rin ang ginawa niya. Wala eh.Wala na siyang nagawa sa buhay niya. Parang ibang tao na ang nangongontrol sa sarili niya kaya yung nalang ang ginawa niya.
Magpapatuloy kaya ang buhay niya na hindi niya ginusto? O magbabago nga ba ito?