marlia_itzprodalia
Hidden Identity / Secret Admirer
"Parasocial Strangers to Real-Life Lovers."
Sa loob ng tahimik na apartment ni Daria, ang tanging kasama niya ay ang pamilyar na boses ni Adriel na umaalingawngaw sa kanyang headphones. Para kay Daria, si Adriel ay isang "echo" lang mula sa screen-isang boses na nagbibigay ng malayong comfort sa isang mahiyaing tulad niya. Ang bawat "sweet and supportive" na comment na itinatapik niya sa keyboard ay ang kanyang mga lihim na berso, ang tanging paraan para maabot ang mundong ginagalawan ng binata.
Ngunit nang magtagpo ang kanilang mga landas sa totoong buhay, ang "echo" ay naging totoo. Ang boses na dati ay digital lang ay naging isang mainit na paghinga sa harap niya.
Sa bawat sulyap ni Adriel kay Daria, may nabubuong tanong sa isip ng binata: "Siya ba ang kumu-kumpleto sa mga gabi ko gamit ang mga mensahe niya?" Habang si Daria naman, pilit itinatago ang kanyang mga disenyo at sining sa takot na baka sa paningin ni Adriel, siya ay isa lamang hamak na fan.
Sa pagitan ng mga hindi masabing salita at mga nakatagong guhit ng tinta, dalawang puso ang pilit na lumalampas sa limitasyon ng screen. Dahil sa mundong ito, hindi sapat ang makinig lang-minsan, kailangan mong maging matapang para marinig ang tibok ng puso na matagal mo nang hinahangaan.