ILYdeadly
"Hey LJ!" tawag ni Luke
"Yow!" bati naman ni LJ at lumapit kay Luke
"Si Shaun barkada ko, Shaun! Si Liana Joy! Pero mas gusto niyang tawagin siyang LJ" pagpapakilala ni Luke
(Nanatili parin akong nakatanga. Ang ganda niya Pre!)
"Houyy!" untag ni Luke kaya napakurap ako
"A-ahh. Sorry, ang g-ganda mo kasi" sabi ko habang nakatunganga parin
"Sapak gusto mo? Gwapo ako pre! Hindi maganda! Gago tong kaibigan mo pre!" sabi naman ni LJ
(Napakurap kurap ako at napatingin kay Luke na ngayon ay nagpipigil ng Tawa)
"Bro! Sabi ko naman sayo diba? Tibo yan! hahaha!" sabi ni Luke na tumatawa
"Nakakainis naman kasi tong Gown na to! Pangit na nga tignan, Ang bigat pa! Pati tong korona na to! Ang bigat sa ulo! Tong mga Make-up na... Psh! Ang lagkit! Nakakabwesit! Bakit pa kasi pinasali niyo ako dito?!" galit na sabi ni LJ
"Suss! Ngayon ka pa nagreklamo na tapos na"
"Noon pa lang! Nagreklamo na ako! Pero bwesit kayo kasi pinilit niyo ako! Sira na ang dignidad ko! Nakita pa nga ako nung dalawa kong girlfriend kanina. Sabi nila mas maganda pa ako sa kanila! Nakakabwesit!" galit na sabi ni LJ na pinanggigilan ang Bulaklak
"Hayaan mo na! Panalo ka naman ehh"
"Whatever. Tapos na__ Ohh? Anong tinitingin tingin mo diyan?" baling niya sa akin ng makita akong nakatitig
"Di parin kasi ako makapaniwala na T-tomboy ka. A-ang ganda mo kasi"
"Aishh! Bakla ka ba? Kasi kung Oo! Mas tatanggapin ko pa! Nakakadiri ka dude! Alis na nga ako! Ibabalita ko pa to sa mga Maaarte kong magulang." nakasimangot na sabi niya at paikaikang umalis
(Nakatunganga ko paring sinusundan ng tingin si LJ hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Nakatingin parin ako sa kawalan)
"Pre! Okay ka lang? Hahaha! Wag mong sabihing tinamaan ka dun?" natatawang sabi niya
"Parang ganun na nga pre. Baliw man pakinggan pero mukhang ganun na nga"