Scribensoul
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay ang ama ni Ylleiah sa isang malagim na plane crash. Ang trahedyang iyon ang nag-iwan ng malalim na sugat sa kanilang mag-Ina na hanggang ngayon ay tahimik na lumuluha dahil sa pagpanaw nito.
Hindi parin nakakaraos sa ilang taong pakikibaka sa lungkot at kahirapan, nagdesisyon ang Ina ni Ylleiah na lumipat sila sa bahay na iniwan ng kanyang yumaong asawa sa Manila. Para kay Ylleiah, parang muling pagbubukas ng isang kabanata na puno ng alaala at pangungulila. Sa gitna ng pag-aadjust sa bagong kapaligiran at paaralan, nakilala niya si Kiel.
Si Kiel ay isang varsity basketball player-matangkad, at gwapo.Sa kabila ng pagiging sikat sa campus, simple at mabait siya kay Ylleiah. Unti-unti, naging matalik silang magkaibigan. Ang hindi alam ni Ylleiah, matagal na palang may lihim na pagtingin sa kanya si Kiel. Ngunit hindi niya ito agad masabi, dahil nakikita niyang may ibang laman ang puso ni Ylleiah.
Ang taong iyon ay si Steffano. Kagaya ni Kiel, gwapo rin si Steffano at marunong din itong maglaro ng basketball kagaya ni Kiel. Pero ang nagpapaiba sa kanya ay ang talento niya sa musika-marunong tumugtog ng gitara, maganda ang boses, at palaging nangunguna sa klase Kaya naging magkalaban sila sa pwesto ng pagiging top 1 sa klase. Para kay Ylleiah, si Steffano ang tipo ng lalaking nakakaramdam siya ng kapanatagan at paghanga kahit na magkalaban sila sa klase.
Ngayon, napipigtal si Ylleiah sa dalawang mundo.
Sa isang banda, kailangan niyang maging matatag na anak para sa ina niyang patuloy na nagdadalamhati. Paano niya mapapagaan ang bigat na dala ng ina kung siya mismo ay sinusubukang buuin ang sarili mula sa pagkawala?
Sa kabilang banda, unti-unting gumugulo ang puso niya. Paano niya haharapin ang dalawang Tao na may gusto sa kanya?
Sa gitna ng pagkakaibigan at pag-ibig-sino ang pipiliin ni Ylleiah? At higit sa lahat, paano niya gagampanan ang tungkulin bilang anak habang hinahanap ang sariling kaligayahan?