inkedbynikki
Dreams, love, and forever. Iyon ang akala ni Alfhia.
Ngunit minsan, ang mga pangakong akala mong totoo, sila pa ang unang magpapabagsak sa 'yo.
Si Jayze, ang lalaking minahal niya nang buo, ang taong akala niyang makakasama niya sa habang-buhay. Pero sa likod ng matatamis na ngiti, mga yakap, at pangakong "I love you," ay may sikreto pala siyang hindi kayang tanggapin ni Alfhia. Isang lihim na dahan-dahang sumisira sa puso niya.
Nang dumating si Clyde sinubukan niyang buksan ang mga mata ni Alfhia sa katotohanan. Ngunit paano ka maniniwala kung ang puso mo ay ayaw makinig? Paano mo haharapin ang katotohanan kung ang pag-ibig mo mismo ang magpapabagsak sa 'yo? Sa pagitan ng pag-ibig at katotohanan, alin ang pipiliin mo? Ang maniwala sa taong mahal mo, o ang maniwala sa sugat na iniwan niya?
Sometimes, love blinds us from seeing the truth. But once the truth unfolds, even the purest love can never be the same again.
---
@inkedbynikki :>