InksaneWP
Hanggang kailan nga ba dapat ipagpatuloy ang pagiging mabuting anak? Hanggang kailan ka magtitiis, ngumingiti, at magbubulag-bulagan-kahit alam mong hindi tama, kahit naririnig mo na ang mga sigawan, kalabog ng mga gamit, at masasakit na salitang umaalingawngaw sa loob ng bahay? but we still have the audacity to sleep, ngunit kapag gumising ka, ramdam mo ang bigat ng kalungkutan. Sumusubok kang hanapin ang init ng tahanan, ngunit tanging katahimikan ang bumati sa iyo-ang tanging tunog na naririnig mo ay ang pagkiskis ng mga kubyertos sa plato. no laugh, no talk at all, walang anumang palatandaan ng pagiging pamilya. paulit-ulit lang ang nangyayari
but sometimes we still hope. Dahil 'pamilya' pa rin sila-ang mga dugo na umaagos sa iyong mga ugat. Pinapanatili mong buhay ang pag-asa na balang araw ay babalik rin ang dati, na mawawala na ang tensyon. Ngunit habang dumadaan ang panahon, lalong nagiging malabo ang kahulugan ng 'pamilya' sa iyo. Minsan nga, ang mga taong dapat kang pinoprotektahan at binabantayan ay ang mismong mga nagnanasa ng kasamaan para sa iyo. Maaaring isipin mong ang mga kalaban mo ay ang mga taong nasa paligid mo, ngunit hindi palaging ganoon-minsan, ang tunay na paninibugho ay nagmumula sa sarili mong dugo.
At sa gitna ng lahat ng ito, hindi mo maiwasang sisihin ang sarili mo. Naranasan mo na ang kapaitan ng sakit-mula sa mga salita, mula sa pagkakalimot, mula sa pagkakaiba. At dahil sa sakit na iyon, minsan ay hindi mo napigilan na saktan rin ang ibang tao. Alam mong mali, ngunit alam mo rin na ang buhay ay puno ng mga bagay na pumupunit sa atin, na nagbabago sa kung sino tayo. Iyon raw ay bahagi ng pagiging tao.
CAOIMHE ISLA VALORGIA met ROUX AETHER ZALLESTRE , will the course of her life be different now? was she finally seen, not as a daughter, not as a relative, but as herself, and was it agony, was it relief, was it too much, was it not enough, was it everything she feared, was it everything she needed?