4Userenity
Isang Makasaysayang Trahedya at Pag-ibig sa Gitna ng Himagsikan
Elara, isang dalagang mula sa modernong panahon, ay biglaang nahulog sa nakaraan matapos mahigop ng isang mahiwagang orasan. Gumising siya sa gitna ng kaguluhan noong 1896 - taon ng pag-aalsa, dugo, at sakripisyo ng mga Katipunero. Doon niya nakilala si Solomon, isang matapang na rebolusyonaryong handang ipaglaban ang bayan kahit ang kapalit ay sariling buhay.
Habang pinipilit ni Elara na maunawaan ang bagong mundo at makahanap ng paraan pabalik sa kanyang panahon, unti-unti namang nahuhulog ang kanyang puso sa isang lalaking hindi niya dapat mahalin - isang lalaking nakatali sa tadhana ng digmaan at trahedya.
Sa pagitan ng mga baril, sigaw ng kalayaan, at pagdanak ng dugo, masusubok ang tapang ni Elara, at ang kanyang pagmamahal kay Solomon na maaaring maging pinakamapait na kapalaran.
Handa ka bang umibig sa panahong bawal magmahal?