Angelashyie06
Sa mundong puno ng ingay, may isang dalagang mas komportable sa katahimikan-si Mira. Tahimik siyang nagdro-drawing, tahimik siyang nagmamahal-at tahimik siyang nasasaktan. Hanggang sa dumating si Elio-isang lalaking laging naroon sa mga oras na kailangan niya ng liwanag. Mabait, gentle, at parang hulma mula sa mga pangarap niya.
Pero habang lumalalim ang connection nila, mas napapansin ng mga taong malapit kay Mira-lalo na ni Jace, ang childhood friend niyang matagal nang naroon-na may kakaibang hindi tumutugma sa kuwento.
Unti-unti, sa pagitan ng kilig, sketchbook, at mga bulong sa hapon, mapapansin ni Mira na may mga bagay tungkol kay Elio na hindi nakikita ng iba. At sa dulo, haharapin niya ang katotohanang mas masakit pa kaysa sa pag-ibig na hindi nasusuklian: na minsan, ang taong nagbibigay sa'yo ng lakas... ay hindi pala totoo.
"When the Heart Sees What Isn't There" is a soft, bittersweet story about imagination, healing, at ang tapang na harapin ang mundong matagal mong tinakbuhan-kahit wala na ang taong umaalalay sa'yo sa dilim.