raennweyy
Akala ko nung bata pa ako, laro-laro lang ang lahat, ang sabi ko pa dati, gusto ko na agad lumaki. Kasi pag malaki ka na magagawa mo lahat ng gusto mo, makakapag-party, makakagala, makakasama sa mga kaibigan.
hindi rin pala.
habang palaki ako ng palaki, naiintindihan ko ang mga bagay na hindi dapat, mga problema na hindi ko kayang haraping mag-isa.
pero sa kabila ng lahat ng iyon, ayoko ng kaibigan, ayoko ng masasandalan. Sinanay ko ang sarili ko na haraping mag-isa ang lahat, ang mga kaibigan, iiwan ka rin nyan ano mang oras, sa huli, sarili mo lang rin ang kakampi mo.
Kung kailangan ko man ng kasama, sina mama at papa iyon, sila ang buhay ko, sila ang pupuno sa lahat ng kulang, sila ang tatapal sa lahat ng butas.
Pero paano kung kasabay ng aking paglaki, ay ang unti-unting pagkawalay ko sa kanila, kasabay ng aking paglaki, ay sya ring unti-unting pagpudpod sa matigas na batong nakabalot sa puso ko, kasabay ng aking paglaki, ay ang reyalisasyom na hindi ko kayang mag-isa.
na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya ko ang sarili ko.
na hindi ko kayang panindigan ang lahat ng itinatak ko sa aking isip.
na kailangan ko ng masasandalan.