TamarieBloom
"Rosang Palad,"
May ilang linya kang isinulat na tila hindi ko mawaglit sa isipan:
'Hindi ko po hinihinging mahalin n'yo rin ako.'
Ngunit paano kung... unti-unti ka nang pumapasok sa puso ng isang taong matagal nang sarado sa pag-ibig?
- Ang Guro
Sa isang tahimik na baryo, isang mahinhin na dalaga ang lihim na sumusulat ng tula para sa kanyang guro - mga sulat na hindi niya kailanman planong ipaabot. Ngunit sa isang pagkakamali, napasa ito... at sinagot.
Habang lumalalim ang koneksyon nila sa papel, dumarami rin ang tanong: sino ba talaga ang iniibig ng guro? At kapag ang lihim ay tuluyan nang mabunyag... kaninong puso ang mananatiling buo?
Isang kwentong puno ng damdaming hindi masabi, pangarap na tahimik, at pag-ibig na huli na nang matutunan.