Iya_kins
Masakit ang mawalan, pero mas masakit kapag paulit-ulit ka na lang nawawalan.
Sa buong buhay ni Fio, pakiramdam niya ay lahat ng taong minamahal niya ay nawawala o iniiwan siya. Kung minsan, nasasanay na lang siya na naiiwan siyang mag-isa.
Kaya naman takot siyang sagutin ang kanyang manliligaw na ilang taon nang nanliligaw sa kanya kahit na mag nararamdaman na siya para dito.
Sa panahon ngayon hindi na uso ang arrange marriage, sa panahon ngayon ang lahat ay malaya ng nakakapagmahal ng kahit sinong gusto nila kaya naman hindi inaasahan ni Fio ang pangyayari na ito sa buhay niya.
Kung saan pakiramdam niya ay sigurado na siya, pakiramdam niya kaya na niya at handa na siyang tanggapin ang kanyang manliliaw ay darating ang problemang ito.
Love That Tears Me Apart
@Iya_kins