xxEowynxx_08
Kaya mo bang magsimula ulit?
Gigising sa bangungot ng panaginip, babangon para sa kahirapang iyong tinahak? Para sa kalayaang inaasam asam. Talikuran ang sakit ng kahapon na tagos sa dibdib? Kakayanin mo ba?
Si Jasrel Louise, nagmula sa masakit na nakaraan ng Pag ibig. Palagi na lang naloloko ng mundo. Palagi na lang nabibigo. Palagi na lang naniniwala sa mga pangako. Mga pangakong napako lang sa dulo. Wala na bang pag asang magbago ang isang tulad nito?
Hanggang sa nakilala niya si Elvien, nagmula rin sa masaklap na nakaraan, ni hindi niya kayang pakawalan ang kung anong wala na, paano siya makakabangon kung hindi pa siya handa? Para magsimula ulit, nagbabakasakaling ang sakit na dinanas noon ay hindi na mauulit kung si Jasrel ang kapiling, hindi na kaya makakaramdam ng pait?