elayzla
Game Lies, Real Pain
Sa simula, isang simpleng friend request lang ang nagbukas ng pinto sa kwento nila. Isang "hi," isang heart react, isang kilig na hindi niya inakalang hahantong sa pagkapira-piraso ng puso niya.
Masaya sila noong una puno ng tawanan, late-night chats, at mga pangakong parang totoo. Pero habang lumalalim ang relasyon, lumalabo rin ang katotohanan.
Unti-unting nagbago ang lalaki.
Unti-unting dumami ang kasinungalingan.
At ang mga "I love you" na dati niyang pinaniwalaan... naging parte ng isang larong hindi niya alam na kasali pala siya.
Habang lumalaban siya para sa pag-ibig, panay naman ang tago, iwas, at pagbalik-balik ng lalaki sa mga dahilan niyang hindi na kumakapit sa katotohanan. Hanggang sa napagod siya. Hanggang sa pumutok ang sakit.
Hanggang sa kailangan na niyang pumili:
Iiwan ba niya ang lalaking minahal niya. o pipiliing masaktan para sa isang taong marunong lang maglaro?
Game Lies, Real Pain is a story of first love, blind trust, hidden truths, and the kind of heartbreak that teaches you the difference between love and destruction. A tale of choosing yourself in a world where someone keeps choosing the game over you.