NiericksonHermoso
Broken Promise
Isang kwento ng pangakong binitiwan... at pusong iniwan.
Sa likod ng matatamis na salita at pangakong "walang magbabago," may pusong umasa, naniwala, at sa huli'y nasaktan. Si Zayden, isang lalaking tahimik ngunit totoo ang nararamdaman, ay naniwala sa pangako ng isang babaeng mahal niya-na kahit ano ang mangyari, hindi ito magbabago. Ngunit habang lumilipas ang panahon, unti-unti na lang itong lumalayo, nagiging malamig, at tila hindi na siya kilala.
Sa kabila ng lahat, nanatili si Zayden. Tahimik siyang naghintay, umaasang babalik ang dating samahan. Ngunit minsan, ang sakit ay may hangganan. At sa oras na piliin mong layuan ang taong mahal mo, doon sila matututo ng leksyon.
Ang Broken Promise ay isang makabagbag-damdaming kwento ng pag-ibig, pagkabigo, at pagsuko. Isang reyalidad na nangyayari sa marami-na hindi lahat ng pangako ay tinutupad, at hindi lahat ng tunay na nagmamahal ay pinipiling mahalin pabalik. Ngunit sa dulo, may aral na iiwan: huwag hayaang malunod ka sa sakit ng nakaraan, dahil minsan ang paglayo ay daan para matutong mahalin ang sarili.