jhyelipink
Sa pagsapit ng araw ng mga puso, ang mga kupido ay kinakailangang pumana ng mga tao para sa isang pag-ibig. At yan ang pinaka-ayaw ni Lucius. kung may nais siyang buwan na kaligtaan sa kalendaryo, yon ay ang buwan ng Pebrero. Hindi dahil bitter siya sa pag-ibig, kundi dahil ayaw niyang magtrabaho nang isang buwan.
Sa kaniyang pagbaba sa mundo ng mga tao upang tulungan ang mga itong makahanap ng kanilang pag-ibig, hindi niya inasahang makakagawa siya ng pagkakamali. pagkakamali na sa loob nang ilang dekadang pagiging kupido ay hindi niya ginawa.
Dahil sa pagkakamaling yon, nabigyan siya ng misyon ni Elena-ang kanilang Abuela. Isang misyon na makakapagpabago sa kaniyang buhay.
Paanong ang isang kupido na ang trabaho ay humanap ng pag-ibig para sa mga tao ay makahanap ng kaniyang sariling pag-ibig?