jotaeria
[Rewritten & Republished]
Hopeless Romantic. Serenity Celestine Frani, grew up with the thought of happy endings. Malamang ay dahil namulat siya sa pagmamahal ng kaniyang ama para sa kaniyang ina, pagmamahal na alam niyang walang hanggan.
Para sa kaniya, ang mamatay nang 'di nagmamahal ang pinakatragic sa lahat. Palibhasa'y hindi pa nito nararanasan ang pagmamahal na tinutukoy ng nakararami.
Ngunit nagbago ang lahat nang siya na mismo ang makaramdam nito. Tila kinain niya ang kaniyang sariling mga salita.
Will she find her own happy ending? O tuluyan na lamang siyang kakapit sa pagmamahal ng kaniyang ama para sa kaniyang ina?