jinxync
Mayroon talagang mga taong dadating sa buhay mo nang biglaan at may mga oras na bigla ka na lang mahuhulong nang walang dahilan. Bigla ka na lang makakaramdam na mahal mo na... hanggang sa unti-unti mo nang nararamdaman kung bakit mahal mo siya. Ganiyan ang nangyari kay Race Cardiel, ang social butterfly ng Grace Park at academic achiever ng Venzua Reyes National Highschool.
Para sa babaeng ito, hindi siya kailanman nag seryoso sa mga relasyon at kung oo man, hindi nag tatagal. Bilang sa daliri kung sino ang mga nagugustuhan ni Race. Kilala si Race bilang maganda, palaban, matalino at mayaman na anak ng campus director sa theater ng kanilang paaralan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay doon niya nakilala ang tahimik at halos walang kibo na si Keian Leim, ang lowkey at mayaman na anak ng head principal ng school nila.
Parehas may kaya sa buhay, parehas kilala ngunit sa magkaibang aspeto. Paano nga ba sila mahuhumaling sa isa't isa kung magkaiba naman sila ng personalidad? Paano kung... ang lahat ng iyon pala ay... dala lang ng bugso ng emosyon at hindi sigurado na desisyon? Will they have the once upon a time ending they want? Or will they end up being the "almost" of Disney?