coldakemi
Sa isang tahimik na probinsya, lumaki si Arielle Feliciandra Montana bilang anak ng mayordoma ng pinakamayamang pamilya sa bayan. Sa murang edad pa lamang, itinakda na ng kanilang mga magulang ang kapalaran niya sa nag-iisang tagapagmana ng hacienda at ng kompaniya na si Elias Joseph Villamor, ang seryoso, masungit, at kilalang senyorito na tila walang pakialam sa kahit sino.
Ngunit habang lumilipas ang mga taon, unti-unting nagbabago ang lahat. Ang dating batang laging nang-aasar ay naging lalaking kayang guluhin ang puso ni Arielle sa simpleng tingin lamang.
Sa gitna ng mga lihim na tensyon, sungitan, at mga pagkakataong hindi nila kayang iwasan ang isa't isa, mapapatunayan kaya nilang higit pa sa isang kasunduan ang namamagitan sa kanila? O mananatili silang nakakulong sa pagitan ng "serbisyo" at "estado" na matagal nang naghahati sa kanilang mundo?
Minsan, ang pinaka-komplikadong pag-ibig ay nagsisimula sa isang simpleng "pinagkasundo lang."