Clarey_Ramos
Laki si Kirsty sa mga tiyahing matatandang Relihiyosa kaya nahirapan siyang kumbinsihin ang mga ito na payagan siyang magsarili. Naging maayos ang buhay niya sa bagong biling bahay hanggang sa bulabugin siya ng isang estranghero--si Simoun Luiz.
Simula pa lang ay binigyan na siya ng patong-patong na problema ng lalaki. Nahuli sila ng Tiyahin niya sa hindi kanais-nais na tagpo at para sagipin siya sa kahihiyan ay kailangan nilang magpakasal.
No choice si Kirsty kaya napilitan siyang makiayon sa takbo ng mga pangyayari. Pero may isang kondisyon: Magpapakasal sila ni Simoun at maghihiwalay rin sa sa tamang panahon.
And they started acting like a couple tying the knot. Pero sa pagdaan ng mga araw at makilala ni Kirsty ang totoong si Simoun ay naging mabilis ang tibok ng kanyang puso hanggang sa magising sya isang umaga na in love na sa kanyang intruder. Very loveable naman pala talaga si Simoun.
Ayos na sana ang lahat at mukhang mahuhulog na rin ang loob ni Simoun sa kanya--na-inlove yata ito sa kasungitan nya. Pero biglang lumitaw sa araw pa mismo ng kasal nila ang ex-girlfriend ni Simoun. Kasamang nawala ni Simoun ang dating nobya at naiwan si Kirsty na salo ang lahat ng kahihiyan. Paano naman kaya ang kanyang Happy Ending?