SoftBun4U
Simple lang ang buhay ni Seraphina Claire Villanueva isang dalagang nangangarap lang ng maayos na trabaho para matulungan ang pamilya niya. Wala siyang alam sa mundo ng sikat, sa kamera, at lalo na sa mga celebrity. Pero isang maling akala ang magdadala sa kanya sa mundong hindi niya inaasahan.
Sa pag-aapply niya sa kumpanyang akala niya ay ordinary lang, natanggap siya bilang Personal Assistant ng isang sikat na P-Pop idol na si Josh Cullen Santos ng SB19. Sa likod ng spotlight, fans, schedules, at music stages, unti-unting mabubunyag ang totoong mundo ng pagiging isang idol, at ang mga damdaming hindi dapat lumalalim.
Mula sa pagiging boss at PA, hanggang sa mga tingin na hindi na dapat pinapansin, paano kung ang simpleng trabaho ay mauwi sa komplikadong pagtingin? Sa mundong puno ng expectations, fame, at secrets... kakayanin ba nilang ipaglaban ang isang "dream" na hindi nila planado?