kleachanty
Horror stories:
Ang Kabaong ni Rosa
HUBAD ang larawang nakabandera sa mga tabloid. Nakapaninindig balahibo ang dispormado nitong anyo. Nakanginginig ng laman ang mga balitang lumabas sa mga pahayagan. Nakapipiga ng puso ang mga istoryang napanood sa telebisyon.
Walang makapaniwala. Tila isang malaking bangungot ang lahat. Si Rosa del Carmen, 16 taong gulang, isang magandang tinedyer, matalino at puno ng malalaking pangarap ay pinatay matapos pahirapan ng hindi pa nakikilalang salarin o mga salarin.