PAINPRAYS
Maraming tinatago ang panahon, maraming kasalanan ang binabaon sa limot. Ngunit oras lang din ang nakakaalam kung kailan ito mabubunyag. At kung sakaling makita ko siyang muli, sana'y makapagpasalamat ako sa kamalayang ibinigay niya sa akin. Kamalayang nagmulat sa tunay na kulay ng lipunang kinabibilangan natin.