hongshih
Kanibalismo, kuha sa kantang "Pag-ibig ay Kanibalismo" ni fitterkarma, ay isang bl story tungkol sa pag-ibig na naging gutom-isang pag-ibig na unti-unting kumain sa dalawang pusong nagmahal nang sobra. Si Elior, isang tahimik na art student na nawalan ng kulay sa buhay, ay nakilala si Cael, isang photographer na puno ng alab at dilim. Sa pagitan ng mga pintura at mga litrato, nabuo ang isang koneksyon na hindi lang tungkol sa pag-ibig kundi sa unti-unting pagkawasak. Habang lumalalim ang relasyon nila, natuklasan nilang may mga damdaming hindi dapat maramdaman nang buo-dahil sa dulo, ang sobrang pagmamahal ay nagiging kanibalismo.