Eyebrows1993
Sabi sa Starting Over Again, Lumaklak ng realidad.
Sinusubukan ko na. Ginagawa ko na.
Hindi madali pero kaya.
Huwag niyo naman muna akong i-judge.
Nasa stage na ako ng buhay ko na, Ako nalang muna.
Sarili ko nalang muna. Kumain na ba ako?. Ingat ako.
San kaya ako? Goodmorning sa akin.
Kain na ako ng lunch ko. Goodnight sa akin.
Wag na ako magpuyat. Kaya ko to.
Huwag akong papagutom. Mahalin ko sarili ko.
At sa aking pag iisa, ito na nga..
Unti - unti kong binubuo yung sarili ko,
mula sa umpisa bago makilala kita,
hangang sa noon pa, yung mga panahong ,
kaya ko namang pasayahin ang sarili ko ng mag isa.
At ito unti kong pinagkakabit ang mga letrang tumatakbo sa isip ko,
ginuguhit ko. Ang mga salitang dapat nasabi ko sana.
Halika, saluhan mo ko...