AnAengeeel
Sa bayan ng San Rafael, Bulacan noong kalagitnaan ng ika-18 na siglo, isinilang si Maria Luisa Enriquez y Montemayor - ang ikalimang anak sa labindalawang magkakapatid mula sa isang pamilyang haciendero. Mahinhin, matalino, at paborito ng kanyang ama't ina, lumaki siyang nakabalot sa dangal at tradisyon ng alta sociedad. Ngunit sa likod ng magarang tela at ginintuang kutsara, siya'y isang dalagang nagtatago ng tahimik na pagnanasa: ang makilala ang mundo sa sarili niyang paraan.
Nakatakda siyang ipakasal sa kaisa-isang anak ng gobernadorcillo - Don Simon Ortega - isang lalaking kilala sa katahimikan at malamig na tindig. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita sila bago ang pamamanhikan - sa ilalim ng ibang pangalan, sa likod ng hindi nila alam na kapalaran.
Sa pagitan ng mga lihim na pagkikita, pumipintig na damdamin, at mga pangakong isinulat ng iba, matutuklasan nilang hindi sapat ang dugong bughaw upang iguhit ang landas ng puso.