trishanty_
May mga paggising na hindi agad napapansin.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Meryllie, unti-unti niyang natutuklasan na ang mundo ay hindi nagbabago sa isang iglap. Pareho pa rin ang mga araw, ang mga tao, at ang mga alaala, ngunit may kung anong hindi na tama. At hindi niya maipaliwanag kung bakit.
May mga sandaling akala niya'y tapos na ang paghihirap.
May mga sandaling sigurado siyang gising na siya.
Ngunit sa tuwing pinipili niyang maniwala, may bahagi ng katotohanang tila ayaw magpakita.
Habang sinusubukan ni Meryllie na buuin muli ang sarili, kailangan niyang harapin ang buhay
Hanggang saan ang kaya mong ipaglaban kung hindi mo na alam kung totoo pa ang dahilan?
Sa pangalawang libro na ito, mas tahimik ang sakit pero mas mabigat.
Mas malinaw ang mga desisyon, ngunit mas malabo ang mga kahihinatnan.
At sa bawat hakbang palayo sa panaginip, may posibilidad na may isa pa palang katotohanan ng paggising.
At ng pagmamahal na kailangang makita,
bago mo tuluyang tawaging totoo.