kielanixe
Magkaibigan pero hindi umabot ng magka-ibigan. Sa panahon natin, madalas may isang umaasa at may isang paasa. Kaya yung isang umaasa mas ipagbubuti na lang niya ang lumayo kaysa malaman ng taong gusto niya na gusto siya nito. Malay mo bigla na lang yung paasa ang lumayo kaysa ang umasa? Masakit yo'n kasi parang pinapahiwatig na rin niya sayo na ayaw niya, in short, sayo. Ito ang nilalaman ng kuwento. Kung saan may umaasa at paasa. Kung paano magtago ng feelings para lang hindi siya lumayo, yung tipong ikaw ang lalayo para hindi niya maramdaman ang nararamdaman mo. Mas gugustuhin mo pang magsakripisyo para sa magandang relasyon niyong nabuo, pero ang relasyon na yo'n ay ang pagkakaibigan lang hindi ang pagkaka-ibigan.