allyzeart
Akala ko simpleng alarm clock lang ang nabili ko sa isang matandang babae, mura, maingay, at siguradong gigisingin ka mula sa pinakamalalim na tulog. Pero hindi ko inakala na gigisingin din pala nito ang kapalaran ko.
Isang araw ng pagka-late at pagmamadali ko, isang misteryosong portal ang biglang lumitaw sa pinto ng banyo... at may isang kamay ng lalaki ang lumitaw at wala akong takot na hiniwakan ko ito at bigla hinigop ako papunta sa ibang mundo. Ang mas nakakagulat?
Nahulog ako literal sa ibabaw ng K-drama heartthrob na si Jung Eun Woo, Isang sikat na kpop sa korea.
Ngayon, ako si Faye ordinaryong estudyante mula sa Pilipinas na napadpad sa kakaibang mundo kung saan modernong panahon at lumang tradisyon ay masasalubong ko ng hindi inaasahan. Ang tanging dala ko lang ay ang sarili ko, susi rin para makabalik ako sa aking mundo.
Pero habang lumilipas ang mga araw, isang tanong ang bumabagabag sa akin.
Kung ang tadhana nga ba ang nagpadala sa akin dito... dapat ba akong bumalik, o manatili?